Tandang-tanda ko pa ang araw na yun. Nagsimula ang lahat sa isang comic skit na kinagalit ng ilang teacher. Tila natamaan yata sila sa mga pinagsasabi ni Remrad. Pwera biro, ang aming ginawa ay base lamang sa aming nakita, kasalanan ba naming ang aming nakita ay di pala dapat makita ng isang estudyanteng walang kamuwang-muwang gaya namin?
Sa tingin mo, anong masyadong alam ng freshman students gaya namin? Bukod sa mga natutuhan sa school at napapanood sa TV, ang tanging alam lamang namin ay matulog, o magkwentuhan, o magtawanan habang ang teacher ay patuloy sa kanyang ginawa maliban na lamang kung papagalitan kami dahil mali ang aming ginagawa o naiinsulto na siya kasi para na siyang baliw na nagsasalita at walang nakikinig.
Sa totoo lang, ang teacher talaga ang ay pinakamahirap na trabaho na magagawa ng isang tao. Sabi nga nila: uliran ang isang ina na napag-aral ang isang dosenang anak, ano pa kaya kung nabago ng isang guro ang mahigit kwarentang estudyante na may iba't-ibang pag-uugali, iba't-ibang antas sa buhay, at iba't-ibang kahinaan?
Teka, parang nawawala na ako sa mga pinagsasabi ko. Bago pa ito mapunta sa isang diskusyon katulad ng isang teacher, babalik na tayo sa Acquaintance.
Ito yung nangyari. Pinagalitan kami sa aming ginawa. Mali daw na insultuhin ang aming mga teacher. Kasi natamaan sila sa aming pinaggagawa. LOL. Pero hindi lang ito ang aming natanggap na pasinuang regalo sa high school.
Natatandaan ko pa kahit medyo malabo na, pinagalitan din kami dahil sa spaghetti, paglilinis ng buong area, at... teka, meron pa ba? Wala na akong maalala, ah. Seguro, sa susunod na reunion mapag-usapan na namin ito. Seguro lang. Ewan ko kasi sa mga engot na ito eh, wala talaga kaming masyadong pinag-usapan tungkol sa aming high school life.
Sa tingin ko, hindi pa kasi matagal ang aming pagakakahiwalay, pagkakaiba ng landas na tatahikin sa kolehiyo. Graduation last March; pagdating ng December may reunion na? At kasabay pa talaga ng reunion ng aking ina... at mas nakakatawa, mas marami pa kami kesa kanila na sumali sa reunion? Kaya nandito pa lang kami sa stage ng buhay na kagaya ng dati... parang nagbi-beach lang dahil kaarawan ni April...
Oo, yun yon. Kung ano yun, basta iyon. LOL. Pinagalitan kami. Naregaluhan kami ng sandamakmak na litaniya galing sa aming mga mababait na teacher.
Hindi ako nagbibiro sa pagsabing mababait kasi kung hindi sila mabait, hindi kami pagsasabihan ng aming pagkakamali. Kung hindi kami pagsasabihan ng aming pagkakamali, papaano kami matuto???
Ang pag-aaral kasi, sa pagkakaalam ko, hindi lang sa loob ng classroom nagaganap. Sa buong buhay mo, nag-aaral ka... natuto. Kaya nga nagbabago ang ating IQ eh.
Dahil mahaba-haba na ang artikulong ito na walang kwenta bukod sa mga naging kaklase ko nung first year, ititigil ko na ang pagdadagdag ng mga salitang ewan kung saan ba patutungo. Dahil na rin mahal na ang kuryenteng nasasayang sa walang kwentang artikulo na ito, at wala ako sa aming boarding house na hindi ko sinabing may laptop na ako upang walang extra fee, dito na nagtatapos ang artikulo.
Kung mayroon man akong ibang artikulo akong maisulat kagaya nito, basahin n'yo na lang kahit wala kayong maintindihan. Kung meron man, mabuti. Kung wala, mas mabuti. Yun kasi ang goal ko, ang kwentuhan kayo ng mga istoryahan tanging mga kaklase ko lang nakakaalam ng tunay na estorya subalit maari mo pa ring malaman ang aking opinyon tungkol sa bagay na ito.
Salamat sa pagbabasa kung binasa mo. Kung nag-short cut ka sa pagbabasa gaya ng aking ina, ewan ko kung mayroon ka bang naintindihan sa iyong nabasa. Maaaring nalampasan mo ang mga nakakatawang bagay kung nakakatawa man. Kung nakakalungkot, sana'y naiyak ka. Kung nakakatakot, sana'y natakot ka. Kung wala sa nabanggit, magdasal ng Our Father sa Latin na binabanggit ni Fr. Jasper tuwing nagmimisa siya dati.First Loud Party-- Acquaintance
Tandang-tanda ko pa ang araw na yun. Nagsimula ang lahat sa isang comic skit na kinagalit ng ilang teacher. Tila natamaan yata sila sa mga pinagsasabi ni Remrad. Pwera biro, ang aming ginawa ay base lamang sa aming nakita, kasalanan ba naming ang aming nakita ay di pala dapat makita ng isang estudyanteng walang kamuwang-muwang gaya namin?
Sa tingin mo, anong masyadong alam ng freshman students gaya namin? Bukod sa mga natutuhan sa school at napapanood sa TV, ang tanging alam lamang namin ay matulog, o magkwentuhan, o magtawanan habang ang teacher ay patuloy sa kanyang ginawa maliban na lamang kung papagalitan kami dahil mali ang aming ginagawa o naiinsulto na siya kasi para na siyang baliw na nagsasalita at walang nakikinig.
Sa totoo lang, ang teacher talaga ang ay pinakamahirap na trabaho na magagawa ng isang tao. Sabi nga nila: uliran ang isang ina na napag-aral ang isang dosenang anak, ano pa kaya kung nabago ng isang guro ang mahigit kwarentang estudyante na may iba't-ibang pag-uugali, iba't-ibang antas sa buhay, at iba't-ibang kahinaan?
Teka, parang nawawala na ako sa mga pinagsasabi ko. Bago pa ito mapunta sa isang diskusyon katulad ng isang teacher, babalik na tayo sa Acquaintance.
Ito yung nangyari. Pinagalitan kami sa aming ginawa. Mali daw na insultuhin ang aming mga teacher. Kasi natamaan sila sa aming pinaggagawa. LOL. Pero hindi lang ito ang aming natanggap na pasinuang regalo sa high school.
Natatandaan ko pa kahit medyo malabo na, pinagalitan din kami dahil sa spaghetti, paglilinis ng buong area, at... teka, meron pa ba? Wala na akong maalala, ah. Seguro, sa susunod na reunion mapag-usapan na namin ito. Seguro lang. Ewan ko kasi sa mga engot na ito eh, wala talaga kaming masyadong pinag-usapan tungkol sa aming high school life.
Sa tingin ko, hindi pa kasi matagal ang aming pagakakahiwalay, pagkakaiba ng landas na tatahikin sa kolehiyo. Graduation last March; pagdating ng December may reunion na? At kasabay pa talaga ng reunion ng aking ina... at mas nakakatawa, mas marami pa kami kesa kanila na sumali sa reunion? Kaya nandito pa lang kami sa stage ng buhay na kagaya ng dati... parang nagbi-beach lang dahil kaarawan ni April...
Oo, yun yon. Kung ano yun, basta iyon. LOL. Pinagalitan kami. Naregaluhan kami ng sandamakmak na litaniya galing sa aming mga mababait na teacher.
Hindi ako nagbibiro sa pagsabing mababait kasi kung hindi sila mabait, hindi kami pagsasabihan ng aming pagkakamali. Kung hindi kami pagsasabihan ng aming pagkakamali, papaano kami matuto???
Ang pag-aaral kasi, sa pagkakaalam ko, hindi lang sa loob ng classroom nagaganap. Sa buong buhay mo, nag-aaral ka... natuto. Kaya nga nagbabago ang ating IQ eh.
Dahil mahaba-haba na ang artikulong ito na walang kwenta bukod sa mga naging kaklase ko nung first year, ititigil ko na ang pagdadagdag ng mga salitang ewan kung saan ba patutungo. Dahil na rin mahal na ang kuryenteng nasasayang sa walang kwentang artikulo na ito, at wala ako sa aming boarding house na hindi ko sinabing may laptop na ako upang walang extra fee, dito na nagtatapos ang artikulo.
Kung mayroon man akong ibang artikulo akong maisulat kagaya nito, basahin n'yo na lang kahit wala kayong maintindihan. Kung meron man, mabuti. Kung wala, mas mabuti. Yun kasi ang goal ko, ang kwentuhan kayo ng mga istoryahan tanging mga kaklase ko lang nakakaalam ng tunay na estorya subalit maari mo pa ring malaman ang aking opinyon tungkol sa bagay na ito.
Salamat sa pagbabasa kung binasa mo. Kung nag-short cut ka sa pagbabasa gaya ng aking ina, ewan ko kung mayroon ka bang naintindihan sa iyong nabasa. Maaaring nalampasan mo ang mga nakakatawang bagay kung nakakatawa man. Kung nakakalungkot, sana'y naiyak ka. Kung nakakatakot, sana'y natakot ka. Kung wala sa nabanggit, magdasal ng Our Father sa Latin na binabanggit ni Fr. Jasper tuwing nagmimisa siya dati.
Wednesday, January 27, 2010
First Loud Party-- Acquaintance
Labels:
acquaintance party,
bonsocan,
masigastig,
reminiscing,
reunion,
scc,
st catherine's college
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment