Yes, it's my time to reminisce once more the laughters and tears brought by my high school life, inspired by Bob Ong of his book ABNKKBSNPLAKo?!
I will start on the first day of the first year and my first time to be in my high school. Normal day. No rain, thank God.
I woke at six, went to SCC at around 6:45. There, I was mesmerize by the people chatting each other. It seems that they've known each other for a while already. After I've got to know them, they were classmates since elementary and kindergaten-- studying in the same school.
LOL. Rich kids, wow! I'm tired of writing using the tongue of Uncle Sam. Will it be better if I use the 'dila ni Juan'?
I think so. Sisimulan ko na ang major transition na ito.
Maaga akong dumating noong araw na yun. Ang daming mga baguhan din sa paaralang yun. Karamihan galing sa iba't-ibang elementarya sa buong lungsod. Karamihan nag-avail lamang sa 100% discount sa tuition. Ibig sabihin, karamihan valedictorian sa kanilang sariling mga paaralan.
Ibig sabihin, dito na masusubukan kung sino nga ba ang tunay na may ibubuga. Dito, sa paaralang ito, malalaman kung sino ang matalino, mas matalino, at pinakamatalino.
Nakakatawa mang isipin pero ito ang totoo. Ang ibang mga estudyante walang masyadong alam sa kanilang pinasukan. Mayroong iba na hindi alam na hayskul na pala sila. Hindi pa nakapag-move on galing sa kanilang elementary life.
Ang palatandaan: palaging maaga sa eskuwelahan, hindi pa naglalaro masyado ng DOTA, wala pang masyadong alam sa paglalakwatsa. Paglipas ng ilang buwan, nagbago na ang lahat.
Ang dating maaga, nasaan na? Ba'y pagdating ko sa classroom wala pa sila? Mayroon namang iba na sa unang araw lamang nagmaaga. Hay naku! Mabuti na lamang kung hindi pa sila na-late nung unang araw ng eskuwela, kasi yung iba, kahit unang araw.. ayon, lumabas ng tunay na kulay! Hala, late agad! Hindi ko na lamang maalala kung sinu-sino silang dapat bigyan ng 'MOST LATE' award pagdating ng aming munting awards-giving sa March. May naalala akong ganito, yung inorganize yata ni Kent. Sino pang nakakaalala no'n? Magsabi ng katotohan. LOL.
Kahit first year pa lamang, marami na agad kalokohan ang nagawa ng aming klase. Sana may magsabi ng kani-kanilang opinyon tungkol dito.. nakakatawang balikan ang pangyayaring iyon na tumatak na sa aming musmos na kaisipan at hindi na mabubura kailanman.
Basta ako, nung first year ko, hindi ako masyadong naging pasaway. Konting lakwatsa lang. Walang masyadong alam sa tunay na mundo sa hayskul. At ang mga kaibigan ko-- mga tunay at plastik na kaibigan-- ang wala pang masyadong alam sa makamundong mukha ng hasyskul.
Lesson learned para matapos: kalimutan na ang atsal na gown, wag nang dibdibin ang mga first impression na nawala dahil nalaman ng mga kaklase ko kung sino ako, at ang tanging isipin ay kung sino babarkada upang makalaag to highest level at free snacks sa mga mayayamang bahay na aming mapuntahan upang gumawa ng projects...
Wednesday, January 27, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment